-- Advertisements --
Inilatag ni Egyptian President Abdel Fattah el-Sisi ang kaniyang dalawang-araw na ceasefire deal sa Gaza.
Sa ginawang pulong nito kasama si Algerian President Abdelmadjid Tebboune sa Cairo, sinabi nito na sa ceasefire ay magkakaroon ng palitan ng bihag ng mga Israel at ilang mga Palestinian prisoners.
Ang nasabing pag-uusap ay magpapatuloy sa loob ng 10 araw ng pagpapatupad ng pansamantalang ceasefire para tuluyang maabot ang permanenteng pag-uusap.
Umaasa ito na mayroong magandang bunga ang ginagawang pulong ng mga delegasyon ng Israel na nasa Qatar.