-- Advertisements --
Ehtiopian Prime Minister Abiy Ahmed 1
Ehtiopian Prime Minister Abiy Ahmed/ IG post

Tinanghal bilang Nobel Peace Prize winner si Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed.

Ayon sa mga organizer ng Nobel Peace Prize, malaki ang naiambag ni Ahmed para makamit ng Ethiopia at Eritrea ang kapayapaan.

Ang dalawang bansa ay nagkaroon ng labanan sa kanilang border mula pa noong 1998 at 2000.

Naibalik lamang ang magandang relasyon ng dalawa noong Hulyo 2018.

Mabibigyan si Ahmed ng premyong $900,000 at ito ay ipipresenta sa Oslo sa darating na Disyembre 10.

“Abiy Ahmed has initiated important reforms that give many citizens hope for a better life and a brighter future,” ani Nobel committee sa statement. “Peace does not arise from the actions of one party alone.”