ILOILO CITY – Nauna ng pinagdiwang ang Eidl Fitr o pagtatapos ng Ramadan sa ibang bansa , kung saan nakita na doon ang buwan na siyang hudyat na tapos na ang pag-aayuno.
Kabilang sa mga bansang nagdiwang ang Saudi Arabia, Kuwait, UAE, Qatar, Bahrain, Jordan, Oman, Egypt, Brunie, Malaysia, Indonesia, Palestine, Iraq, Lebanon, Sudan, Syria, Turkey, Russia, Australia, Singapore at marami pang iba.
Habang ang Pilipinas naman ay huli ng isang araw, kung saan ngayon ito pinagdidiwang.
Sa panayam ng Star FM Iloilo kay Sherin Tugal, OFW sa Saudi Arabia, sinabi niyang maraming Pinoy Muslims din ang nakiisa sa okasyon sa nasabing bansa.
Magsisimula na aniyang bumalik sa normal ang karamihan habang magbakasyon naman ang iba matapos ang Ramadan.
Dagdag pa ni Tugal, magkaiba aniya ng moon sighting dito sa Pilipinas at ng Saudi Arabia at dahil advance ng limang oras dito sa bansa kaya hindi nakita ang buwan.