-- Advertisements --
Sa araw pa ng Sabado, Abril 22 ipagdiriwang ng mga Muslim community sa bansa ang Eid’l Fitr o pagtatapos ng buwan ng Ramadam.
Ito ang kinumpirma ng Grand Mufti of the Bangsamoro Abuhuraira Udasan matapos ang ginawang tradisyunal na moon-sighting activity.
Ayon sa Bangsamoro government na dahil sa hindi nakita ang buwan ay sa Abril 22 na ipagdiriwan ang Eid’l Fitr.
Isa ang Ed’l Fitr sa mahalagang okasyon sa Islam na kilala rin bilang festival of the breaking of the fast.
Dumarating ang Eid’l Fitr matapos na matupad ang mga aral mula kay Allah.
Magugunitang idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na regular holiday ang Abril 21 bilang paggunita sa Eid’l Fitr.