-- Advertisements --
image 241

Ibinahagi ng aktor at Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon at girlfriend na si Jana Roxas sa social media ang kanilang mga litrato para sa kanilang nalalapit na kasal.

Ipinost ng mag-kasintahan ang kanilang nakamamanghang pre-wedding photos na kuha sa magandang lungsod ng Dubai.

Tampok sa larawan ang magkasintahan na sakay ng isang yate suot ang kanilang eleganteng damit.

Matatandaan na na eganged sina Falcon at Roxas noong Agosto 2022.

Nangyari ang proposal noong bisperas ng kaarawan ni Roxas sa bahay ng isa sa mga malalapit niyang kaibigan. Present ang mga kapamilya nina Falcon at Roxas, Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor at asawa nitong si Hiyas, at mga kasamahan mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.