-- Advertisements --

Napiling flag-bearer sa opening ceremony ng 2023 Asian Games sa Hangzhou , China sina Tokyo Olympians Margielyn Didal at EJ Obiena.

Inanunsiyo ito ni Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino kasabay ng send-off ceremony sa mga atleta na sasabak sa nasabing torneo.

Gaganapin ang opening ceremony sa Setyembre 23 sa Hangzhou Sports Park Stadium.

Magpapadala ang Pilipinas ng 395 na atleta na sasabak sa 27 sports kung saan pangungunahan ni Rep. Richard Gomez ang atleta bilang chef de mission.

-- Advertisement --