-- Advertisements --

Nagtapos lamang sa pang-apat na puwesto si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa ginanap na Wanda Diamond League finals sa Zurich, Switzerland.

Hindi nakuha nito ang 5.43 meter bago nagtagumpay sa 5.53 bar sa isang attempt lamang.

Sa unang dalawang pagtalon ay hindi niya naabot ang 5.73 na taas subalit nagtagumpay sa huling attempt.

Nagwagi sa nasabing torneo si Armand Duplantis ng Sweden habang silver medal naman ang nakuha ni Sam Kendricks ng US at bronze medal si Timur Morgunow ng Russia.