-- Advertisements --

Desidido si Filipino pole vaulter EJ Obiena na tapusin ang kaniyang college degree sa University of Santo Tomas.

Sinabi nito na nagsusumikap pa rin siyang makuha ang diploma sa kursong Electronic Engineering.

Nag leave of absence muna ito para pagtuunan ng pasin ang kaniyang paglalaro sa pole vault.

Sa kasalukuyan ay inaayos niya ang ilang mga schedule niya para sa tuluyang makapagtapos sa kolehiyo.

Magugunitang pansamantalang hindi lalahok si Obiena sa mga torneo ngayong taon dahil ito ay nagpapagaling sa kaniyang spine injury kung saan tiniyak nito sa susunod na taon ay sasabak na ito sa mga international tournament.