-- Advertisements --

Naka-kondisyon na ang pangangatawan ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena para sa kaniyang nalalapit na pagsabak sa outdoor games.

Sa darating kasi na Abril 26 ay lalahok ang World number 4 sa Xiamen leg ng Diamond League.

Makakaharap nito ang ilang mga pamilyar na mga pangalan gayan nina world-record holder at 2024 Paris Olympic gold medalist Armand Duplantis, silver finisher Sam Kendricks at bronze medalist Emmanouil Karalis.

Sinabi ng kaniyang inang si Jeanette Obiena, na tuluyan ng gumaling ang 6-foot-2 na anak mula sa kaniyang back injury.

Hindi na ito sumabak sa 2025 World Athletics Indoor Championships noong Marso para ituon ang laro sa outdoor.

Magugunitang nagwagi ito sa Taiwan International Pole Vault Championship sa unang linggo ng Abril .