-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ni Olympic pole vaulter EJ Obiena na ito ay gumaling na mula sa kaniyang lower back injury.
Sinabi nito na nakakuha na ito ng clearance mula sa kaniyang physician na si Dr. Alessandro Napoli at kinumpirmang magaling na ito.
Ito rin aniiya ang dahilan kung bakit hindi siya lumahok sa mga iba’t-ibang mga torneo sa ibang bansa.
Pinasalamatan din nito ang mga fans at supporters na nagdasal sa kaniyang agarang paggaling.
Una ng sinabi ni Obiena pagkatapos niyang sumabak sa Paris Olympics na magpapagaling muna ito sa kaniyang back injury.
Target na nitong sumabak sa mga international events sa susunod na taon.