NEW CLARK CITY, Tarlac – Hindi binigo ng pambato ng pole vault ng Pilipinas ang libo-libong nanood sa Athletic Stadium sa New Clark City, Capas, Tarlac.
Ibinulsa kasi ng Olympic-bound na si Ernest John “EJ” Obiena ang gintong medalya sa men’s pole vault.
Nanguna ito sa limang katunggali matapos maabot ang 5.45 meters.
Winasak ni Obiena ang dati ring record ng Thailand sa SEA Games na 5.35 meters.
Bagamat hindi nalampasan ni EJ ang hawak na personal record na 5.71 meters sapat na ito upang maging hari siya sa kanyang event sa SEA Games.
Pumangalawa sa kanya si Porranot Purahong ng Thailand (5.20) para sa silver medal at bronze medal naman ang nasungkit ng Malaysian na si Iskandar Alwi (5.00).
Ang 24-year old na si Obiena na estudyante ng University of Santo Tomas ay una nang binasag ang Asian Athletics Championships record nang magawa niyang lampasan ang 5.71 meters noon lamang April 21, 2019 kasabay ng 23rd biennial meet na ginanap sa Doha, Qatar.
Ang kanyang record feat ay nagbigay din sa kanya ng gold medal finish.
Sa ngayon hawak din ni EJ ang national record nang mabasag niya ito sa nabanggit ding event.
Siya ang natatanging unang Filipino na anbigyan ng scholarship mula sa International Athletic Association Federation (IAAF).