-- Advertisements --

Inilunsad ni World number 2 pole vaulter EJ Obiena ang kaniyang fundraising event para tulungang kapwa niya pole vaulter na magkaroon ng vault training pits ang mga kapwa niya pole vaulter sa bansa.

Para makalikom ng pondo ay kaniyang isusubasta ang kaniyang mga gamit noong 2023 Asian Games at Southeast Asian Games.

Tatangap din si Obiena ng donasyon para sa kaniyang inisyatibo na magkaroon ng interest ang mga Filipino sa pole vault.

Pipili din ito ng mga paaeralan at mag-aaral sa iba’t-ibang panig ng bansa para sa benepesaryo ng kanilang training pit construction at pole vaulting program na ang magtuturo mismo ang ama ni EJ na SEA Games medalist at pole vaulting mentor na si Coach Emerson Obiena.