Pagkatapos ng three-week vacation sa Pilipinas ng world’s No.3 pole vaulter na si EJ Obiena ay maghahanda na ito para sa susunod na season pati na rin sa 2024 Paris Olympics.
Una rito, umuwi sa bansa si Obiena nitong Huwebes para magbakasyon bago lilipad patungong Italy para mag-training naman sa darating na 2023 season.
Wala na raw magiging pahinga ang atleta dahil mas magiging puspusan na ang kanyang paghahanda sa magkasunod na taon hanggang sa 2024 Paris Olympics.
Dagdag pa dito, naihanda na raw ng kanyang coach na si Vitaly Petrov ang kanyang training program sa Paris.
Sinabi ni Obiena sa kanyang courtesy call kay Philippine Sports Commissioner Chairperson Noli Eala na talagang plinano niya ang magbakasyon sa Pilipinas dahil tatlong taon na rin siyang hindi nakakapag-offseason.
Sa ngayon, e-enjoy daw muna ni Obiena ang kanyang bakasyon kasama ang kanyang mga magulang at girlfriend na isa ring athlete mula sa Germany. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)