Nasa Pilipinas ngayon si Filipino pole vault star EJ Obiena para sa pagsasanay.
Sinabi nito na hindi lamang pagbisita ang ginagawa niya ngayon dahil nasa full-blown training camp ito sa kaniyang bayan sa Cavite.
Kasama nito sa enssayo ang legendary coach na si Vitaly Petrov, physiotherapist Christian Ferdinandi, at Saudi Arabian pole vaulter Hussain Al Hizam.
Ang nasabing training camp ay bilang paghahanda para sa ilang mga outdoor season kabilang ang mga major tournaments sa China at South Korea ganun din ang posibilidad ng Southeast Asian Games ngayong taon.
Dagdag pa ni Obiena na kaya sila nagbalik sa bansa para mawala ang labis na kapaguran sa mga iba’t-ibang biyahe nila mula sa mga torneo.
Giit nito na labis siyang nakahanda kaya tuloy-tuloy ang gagawing matinding ensayo.