-- Advertisements --

May tatlong event na lalahukan ang Filipino pole vaulter EJ Obiena.

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro siya matapos ang gintong medalya na kaniyang nakamit sa nagdaang 32nd Southeast Asian Games.

Ilan sa mga sasalihan ito ay ang 5th Irena Szewinska Memorial sa Hunyo 6 Poland.

Matapos nito ay lilipad siya patungong Sparebanken Vest Bergen Jump Challenge sa Hunyo 10 at ang Bislett Games sa Hunyo 15.

-- Advertisement --

Target kasi nito na makapaglaro ng 2024 Paris Olympics kaya lubos ang ginagawang paghahanda para sa mga lalahukan mga qualifiers.