Patuloy sa kanyang pamamayagpag sa Europa ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos makasungkit na naman ng panibagong gold medal sa kanyang nilahukan na 2022 True Athletes Classic in Leverkusen, Germany.
Ito ay makaraang makuha ni Obiena ang 5.81 meters upang talunin ang mga karibal na atleta mula sa Netherlands na si Rutger Koppelaar at ang pambato ng Australia na si Kurtis Marschall matapos ang tinatawag na countback dahil nagpare-pareho silang nagtala ng record.
Ito na ang ikalawang korona ni Obiena sa loob lamang ng isang linggo nang kanya ring mapagwagian ang 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany.
Ayon kay EJ masaya siya na magbigay ng karangalan para sa Pilipinas.
Pero aminado naman ito sa labis niyang frustrations na hindi nalagpasan ang 5.95 meters.
Sinabi ni EJ kailangan umano niya ang technical adaptations para sa susunod na mga adjustment.
Si Obiena ay muli na namang sasabak sa St. Wendel City Jump sa Aug. 31.
“I am very happy to bring home the (gold) against a great field. But on the other hand I am frustrated by missing 5.95m again. We have boiled it down to some technical adaptations, which at these heights makes the difference between a miss or a make. Like anything in life, this is all about continual improvement,” ani Obiena sa statement.