-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag ni Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena sa mga torneo sa ibang bansa.

Ito ay matapos na magwagi muli ng gintong medalya sa ISTAF Indoor tournament sa Berlin.

Ang nasabing panalo ay siyang pangalawang ginto niya na nakamit ngayong taon.

Hawak kasi nito ang Asian record sa outdoor pole vault sa 6.0 meters na dalawang beses na niya itong na-clear.

Sinubukan niya na ma-clear ang 6.03 meters pero bigo pa rin ito.

Pumangalawa sa torneo si Tray Oates ng US sa 5.93 meters habang si Robert Sobera ng Poland ay nasa pangatlong puwesto na mayroong 5.66 meters.

Susunod na laban nito ay sa Marso 3 kung saan lalahok ito sa World Indoor Championship sa Glasgow.

Ang nasabing torneo ay itinuturing niyang paghahanda para sa Paris Olympics.