-- Advertisements --

Muling nakakuha ng gold medal si Olympic-bound pole vaulter EJ Obiena.

Nakamit nito ang medalya sa PSD Bank Indoor Meeting sa Dortmund, Germany matapos na matapos ang 5.65 meters.

Sa unang pagkakataon ay tabla sila ng German na kalaban na si Oleg Zernikel at tinapos ang deadlock ng matapos ang 5.68 na jump.

Dahil sa panalo ay ito na ang pangalawang gold medal na kaniyang nakamit sa nakaraang weekends.

Una kasi nakakuha ang 24-anyos ng gold medal sa 2021 ISTAF Indoor meet sa Berlin.

Susunod na lalahukan nito ay sa HdF Pas-de-Calais sa France.