-- Advertisements --

Muling pinatunayan ni EJ Obiena na siya pa rin ang hari ng pole vault.

Ito ay matapos na nakakuha ng gintong medalya sa Southeast Asian Games sa Cambodia.

Bukod pa dito ay nagtala rin ang Pinoy vaulter ng bagong SEA Games record sa pamamagitan ng 5.65 meters clearance at makuha ang ikatlong gintong medalya sa SEA Games.

Pansamantalang natigil ang laro dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan pero desidido ang 27-anyos na magwagi.