-- Advertisements --
Patuloy ang pamamayagpag ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ngayong taon.
Nakapagbulsa ito ngayon ng silver medal sa Men’s Pole Vault International Springer-Meeting Cottbus 2025 sa Germany.
Nagtapos ito sa 5.65 meters na siyang tama lamang para makuha ang pangalawang puwesto.
Nanguna naman sa torneo si Sam Kendricks ng USA na mayroogn 5.75m.
Habang nasa pangatlong puwesto si Bo Kanda Lita Baehre ng Germany na nagtala ng 5.65m.
Magugunitang noong nakaraang araw ay nagbulsa si Obiena ng gintong medalya sa Orlen Copernicus Cup na ginanap sa Poland.