Matapos ang 2024 Paris Olympics, nagtapos sa ikalimang pwesto ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa Silesia Diamond League sa Poland.
Kabilang si Obiena sa limang pole vaulter na natira sa 5.92 meters.
Gayunpaman, tanging si EJ lamang sa natirang manlalaro ang hindi nakalusot sa 5.92 meters. Matapos ang kanyang ikalawang unsuccessful attempt, nilaktawan na niya ito.
Sa kanyang attempt sa 6m, nabigo ito at hindi na nakapagpatuloy pa sa kompetisyon.
Samantala, nangunguna pa rin ang Paris Olympic gold medalist na si Armand Duplantis. Bigo ang Paris silver medalist na si Sam Kendricks sa three attempts niya sa 6.08m.
Nagtala si Duplantis ng panibagong world record na 6.26 meters para basagin ang dating 6.25 meter mark sa 2024 Paris Olympics ilang linggo lamang ang nakalilipas.