Nagtapos sa pangatlong puwesto si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Lausanne Leg of the Diamond League sa Switzerland.
Matagumpay nitong naabot ang 5.82 meters sa unang attempt kung saan katabla niya sa ikatlong puwesto sina Sondre Guttormsen ng Norway at Kurtis Marschall ng Australia.
Silang tatlo ay matagumpay na na-cleared ang bar sa unang pagsubok lamang.
Sinubukan ng Pinoy pole vaulter na maabot ang 5.92 meters subalit ito ay nabigo sa tatlong attempt.
Nanguna sa nasabing torneo si world number 1 at Paris Olympics gold medalist Mondo Duplantis ng Sweden na nagtala ng record ng 6.15 meters na kaniyang nalagpasan ang 6.10 meters na hawak noong dalawang taon na ang nakalipas.
Habang pangalawa naman sa puwesto si Sam Kendricks ng US na nagtala ng 5.92 meters.
Ito ang unang pagsabak ni Obiena na torneo matapos ang Paris Olympics kung saan nagtapos siya ng pang-apat na puwesto.
Inaasahan an sasabak rin siya sa Silesia leg sa Poland na gaganapin sa Augusto 25.