-- Advertisements --

Nagkamit ng silver medal si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Oslo Bislett Games sa Norway.

Naging maliniw ang kaniyang 5.72 meters na sapat para sa ikalawang puwesto.

Naitabla niya sa posisyon si Emmanouil Karalis ng Greece.

Pinasalamatan ni Obiena ang kapwa pole vaulter na sina first-placer KC Lightfoot at Menno Vloon ng the Netherlands dahil sa pagpapahiram sa kaniya ng mga pole.

Magugunitang noong nakaraang araw ay nagtapos lamang siya ng pang-pitong puwesto sa Ostrava Golden Spike sa Czech Republic matapos na mabalik ang kaniyang pole.