-- Advertisements --

Nagtapos sa pang-pitong puwesto si EJ Obiena sa Ostrava Golden Spike na ginanap sa Czech Republic.

Ayon sa Olympian na nagkaroon ng iba’t-ibang aberya kaya nagtapos siya sa pinakamababang puwesto sa loob ng dalawang taon.

Natapos niya ang 5.52 meters kahit na nabali pa ang kaniyang pole.

Nakuha ni Armand Duplantis ng Sweden ang unang puwesto na siyang pampitong gold niya ngayong taon na 6.00 meter jump.

Pumangalawa naman sa puwesto si Ethan Cormont na nagwagi ng silver na may 5.62meter jump.

Naniniwala ito ang nasabing hamon ay magsisilbing aral para pagbutihin niya sa pagsali niya sa Paris Olympics.