Patuloy ang pamamayagpag ni EJ Obiena sa iba’t-ibang torneo ilang buwan bago ang Tokyo Olympics.
Nagtapos kasi ng silver medal ang Filipino pole vaulter sa 2021 FBK Games sa Hengelo, Netherlands matapos na malinis na tinapos ang 5.80 meters sa unang sabak.
Nanguna sa torneo si Armand Duplantis ng Swede na mayroong 6.10 meters clearance.
Nagtapos naman sa bronze medal ang pambato ng Netherlands na si Menno Vloon na nagtala ng 5.80 meters sa ilang beses nitong attempts.
Magugunitang isa sa 10 Filipinos si Obiena na tiyak na ang pagsabak sa Olympics na pinangunahan ni Carlos Yulo ng gymnastics, Hidilyn Diaz sa weightlifting, mga boksingero na sina Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam, Nesthy Petecio, si Cris Nievarez sa rowing at Kurt Barbosa sa Taekwondo.