-- Advertisements --
Nakabawi na ngayon si World Number 4 at Asian champion pole vaulter EJ Obiena matapos na magbulsa ng gintong medalya sa Orlen Copernicus Cup na ginanap sa Torun, Poland.
Naitala ng two-time Olympian ang 5.80 meter clearance para manguna sa siyam na mga kalahok.
Nasa pangalawang puwesto ang pambato ng Poland na si Piotr Lisek an nagtala lamang ng 5.70meter.
Habang na sa pangatlong puwesto si Sondre Guttormsen ng Norway.
Ito na ang pangalawang gintong medalya na nakuha ni Obiena na ang una ay sa Metz Moselle Athletor sa France noong nakaraang buwan.
Tila pagbangon din itong maituturing dahil sa nagtapos lamang siya sa pangpitong puwesto sa mga walong manlalaro sa ISTAF Indoor tournament na ginanap sa Dusseldorf, Germany.