-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na hindi ito makakasali sa 2025 World Athletics Indoor Championships.

Pagtitiyak naman nito sa kaniyang mga supporters at fans na wala itong iniindang injury at sa halip ay nakatuon ang kaniyang atensiyon sa mga outdoor season.

Nakatakda kasi itong maging representative ng bansa sa mga high-profile competitions.

Dagdag pa nito na gumaling na ang kaniyang back injury at nagiging maganda na ang kaniyang isinasagawang training.

Aminado ito na nadismaya siya sa hindi matagumpay na mga torneo na kaniyang sinalihan noong Pebrero kung saan sinabi niya na kahit maraming oras para mag-qualify sa mga World Indoor Championships ay wala ng kumpetisyon na itong nasalihan.

Ilan sa mga outdoor competitions na kaniyang pinaghahandaan ngayon ay ang World Championships, Asian Championships at Southeast Asian Games.

Ang 29-anyos na ranked number 4 ay nakatakdang sumabak sa Mondo Classics sa Uppsala, Sweden sa darating na Marso 13.