-- Advertisements --

Naniniwala si Olympic pole vaulter EJ Obiena na marami pang mga potensyal na pole vaulter sa bansa na mamamayagpag.

Sinabi ng world number 3 pole vaulter na mayroong katangian ang mga Pinoy na maaaring magtagumpay sila sa nabanggit na sports.

Hinikayat din nito ang gobyerno at ilang mga pribadong kumpanya na mag-invest sa nasabing sports para makakuha ng mga magagaling na pole vaulters.

Sa kasalukuyan kasi ay nandiyan si Hokett Delos Santos ng silver medalist sa Southeast Asian Games sa Vietnam.

Nagpahayag din si Obien na handa itong tumulong para humubog ng mga susunod na maging sikat na pole vaulter sa bansa.