-- Advertisements --

Mananatili ng ilang araw sa Dubai si Pinoy pole vaulter EJ Obiena.

Sinabi ng kaniyang adviser at benefactor na si Jim Lafferty na kanilang paplanuhing mabuti ang nalalapit na outdoor season.

Sa nagdaang pitong kumpetisyon na sinalihan ng 29-anyos na si Obiena sa pagsisimula ngayong taon ay hindi ito nakapag-clear ng 5.80 meters.

Pinakahuli ay noong nakaraang linggo sa Mondo Classic na isang indoor event kung saan sa 10 mga lumahok ay naging pang-walo lamang ito.

Sa susunod laban nito ay ang Diamond League na magaganap sa China na isa itong outdoor event.

Sinabini Lafferty na dahil sa injury sa likod ni Obiena ay hindi ito gaanong nakapag-ensayo ng husto bago ang ilang mga kumpetisyon na naganap.

Dahil sa mahinang indoor performance niya ay binawasan na lamang niya ang pagsali dito at itinuon sa outdoor competition.