-- Advertisements --
Nakasungkit ng silver medal si Pinoy pole vault star EJ Obiena sa International Jump Meeting Cottbus 2025 na ginanap sa Germany.
Ito ang unang indoor game ni Obiena matapos ang ilang buwang pamamahinga dahil sa injury sa likod matapos ang Paris Olympics.
Nagtapos ng 5.65 meters clearance ang Asian at Southeast Asian Games champion kaya nakamit nito ang pangalawang puwesto.
Nanguna naman sa torneo si Sam Kendrick ng US na nakakuha ang 5.75 meters.
Sinubukan ni Obiena na maabot ng 5.75 meter par makamit ang gintong medalya subalit bigo ito sa tatlong attempt.
Itinuturing na isa itong magandang simula kay Obiena na umaasang makamit ang Number 2 world ranking dahil sa kasalukuyan ay nasa pang-apat na puwesto ito ngayon.