Inanunsiyo ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena na hindi muna ito sasabak sa anumang torneo ngayong taon.
Sinabi nito na nagkaroon ito ng fracture sa kaniyang spine kaya pinayuhan ito ng mga doctor na mamamahinga muna at magpagaling.
Mayroon sana pa itong tatlong torneo na sasalihan ngayong taon ang ISTAF Berlin, Zurich Diamond League, at Diamond League bago tuluyang bumalik sa bansa.
Subalit matapos ang pagsabak niya sa Silesia Diamond League ay muling sumakit ang likod niya na matagal na noon pa man ay kaniyang dinaramdam na.
Lumabas sa kaniyang CAT scan na ito ay mayroong fractured L5 vertebra.
Para hindi na lumala pa ang kaniyang injury ay nagpasya itong kanselahin ang mga torneo na sasalihan kabilang na ang Philippine Pole Vault competition na itinakda sa Setyembre 20.
Tiniyak naman nito na sa 2025 ay babalik siya sa mga iba’t-ibang torneo.