-- Advertisements --

Bigo na makapagwagi ng medalya ang Paris Olympic-bound na si Ernest John “EJ” Obiena matapos na tumapos lamang sa pang-apat na pwesto sa Wanda Diamond League – Meeting De Paris sa Stade Charlety Paris isa France.

Nalampasan ni Obiena ang 5.75 meters at naka-tie nito si Emmanouil Karalis ng Greece.

Gayunpaman, nabigong umabante ni Obiena matapos na hindi malampasan ang 5.85 sa dalawang attempt at 5.95 naman sa kanyang huling attempt.

Nanguna sa event ang defending Olympic champion na si Armand Duplantis ng Switzerland na may 6.00 na sinundan ni Sam Kendricks ng United States na may 5.95. Nakuha ni Thibaut Collet ng France ang ikatlong puwesto na may 5.85.

Inaasahan namang makasusungit ng pwesto ang 28-anyos na si Obiena sa Paris Olympic Games sa bisa ng kanyang global ranking kasama si Duplantis, na may hawak ng world record na 6.24 meters, na siya lamang ang nangunguna sa kanya.