-- Advertisements --
EJ C

Lalaban na rin si EJ Obiena sa men’s pole vault final makaraang mag-qualify sa ginanap nitong araw ng Sabado na qualifying match sa National Stadium sa nagpapatuloy na Tokyo Olympic.

Ang 25-anyos na si Obiena ay nagawang matalon ang 5.75 meters sa third at final attempt para pumuwesto siya sa ika-10 sa qualifying.

Noong una marami ang pinakaba ni EJ nang sumablay siya o magtala ng foul sa kanyang dalawang pagtatangka sa 5.75 meters.

Mistula naman itong nakahinga nang maluwag at naiwasan ang major collapse.

“Thank you for all your prayers after some nerve wracking moments,” ani Obiena sa kanyang Facebook page.

Nanguna sa qualification match sina Bo Kanda Lita Bahre ng Germany at Christopher Nilsen ng US na naabot din ang 5.75 meters.

EJ Obiena ernest

Samantala ang paboritong world record holder na si Armand Duplantis ng Sweden at si KC Lightfoot ng Amerika ay pumuwesto rin sa ikatlo sa kaparehong ring taas na 5.75.

Ang Rio 2016 Olympic champion naman si Thiago Braz ng ng Brazil ay nakuha ang ika-walong pwesto kasama si Emmanuel Karalis ng Germany.