-- Advertisements --

Sinimula na ni Olympian Pinoy pole EJ Obiena ang 2022 sa pamamagitan ng pagsabak sa ISTAF Indoor sa Berlin, Germany.

Sa nasabing torneo ay makakaharap niya ang mga pinakamagaling sa buong mundo na sina Tokyo Olympic gold medalist at world number 1 Armand Duplantis ng Sweden, world number 4 KC Lightfoot ng US at world number 7 Piotr Lisek ng Poland.

Kasama rin sa nasabing torneo ang pambato ng Germany na sina Torben Blech, Oleg Zernikel at Bo Kanda Lita Baeher at Rutger Koppelarr ng Netherlands at ibang mga pole vaulters.

Magugunitang umatras ang world number 5 na si Obiena sa pagsabak sa Init Indoor meeting sa Karlsruhe, Germany nitong Enero dahil sa kailangan pa niyang magpagaling matapos operahan ang kaniyang tuhod.