Hindi nawawalan ng pag-asa si Pinoy pole vaulter EJ Obiena na makamit ang mga target na record para sa sarili.
Sinabi nito na kapag tuluyan ng itong gumaling mula sa kaniyang injury sa likod ay handa na nitong mahgitan ang kaniyang 6.00 meters na record.
Ang nasabing record kasi ay kaniyang nakamit noong 2023 World Championship sa Hungary kung saan pumangalawa ito sa record-holder na si Armand Duplantis ng Sweden.
Sa kasaysayan ay tanging mayroong tatlong katao lamang ang nakaabot ng mahigit 6.10 meters na target ngayon ni Obiena.
Ang mga ito ay kinabibilangan nina legendary Sergey Bubka ng Ukraine na mayroong 6.15 meters noong 1993; Renauld Lavillenie ng France na mayroong 6.16 meters at si Duplantis namayroong 6.26 meters sa Diamond league.
Ayon kay Obiena na masaya na ito kapag maabot ang target na 6.15 meters.
Tiwala naman ang coach nito na si Vitaly Petrov na kayang abutin ng Pinoy pole vaulter ang nasabing taas.
Sa ngayon ay target ni Obiena tuluyang magpagaling kung saan base sa mga pagsusuri ng kaniyang mga doktor ay aabutin pa itong ilang buwan para sa paggaling.