-- Advertisements --
Tuloy-tuloy ang ginagawang pag-eensayo ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena para sa mga susunod nito ng torneo.
Nitong pinakahuling pagsabak niya kasi sa Xiamen leng ng Diamond League sa China ay nagtapos ito sa pang-pitong puwesto.
Sinubukan niyang maabot ang 5.72 meters subalit bigo ito sa tatlong pagtatangka niya.
Sa nasabing torneo ay nagtagumpay si Mondo Duplantis ng Sweden at sinundan ni Emmanouil Karalis ng Greece at Menno Vloon ng the Netherlands.
Magugunitang umuwi sa Pilipinas si Obiena para mag-ensayo kung saan target nitong magtagumpay sa mga outdoor events.