-- Advertisements --

Umaasa si Filipino Olympian Ej Obiena na mas marami pang mga kababayan niya ang makakasali sa 2024 Paris Olympics.

Siya kasi ang unang Pinoy na na-qualify para sa Paris Olympics matapos ang tagumpay nito sa torneo na ginanap sa Sweden nitong Lunes.

Noong 2021 Tokyo Olympics kasi ay kasama nito ang 18 iba pang atletang Pinoy.

Itinuturing kasi ng isang atleta na ang makasali lamang sa Olympics ay isa ng malaking achievements sa kanilang career.