-- Advertisements --
Nagwagi ng gintoing medalya si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Memorial Josip Gašparac sa Osijek, Crotia.
Nagtala rin ito ng bagong record na 5.83 meters para makuha ang unang panalo niya ngayong 2024.
Pumangalawa naman sa kaniya si Pedro Buaró ng Portugal na nagtala ng 5.73 meter.
Bukod sa medalya ay mag-uuwi ito ng cash prize na nagkakahalaga ng katumbas ng mahigit P90,000.
Tinangka ni Obiena na maabot ang 5.93 meters pero bigo ito sa ikatlong pagtatangka.
Nakatakdang lumahok ito sa e ISTAF Indoor in Berlin, Germany sa darating ng Pebrero 23.
Ang nasabing panalo ay magsisilbing paghahanda niya sa Paris Olympics.