-- Advertisements --

Nagwagi ng gintong medalya si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa Los Angeles Grand Prix.

Nakapagrehistro ito ng 5.80 meters event na ginanap sa Drake Stadium sa loob ng University of California, Los Angeles.

Nasa pangalawang puwesto ito na ang una ay si Armand Duplantis ng Sweden.

Tinalo nito sina Simen Guttormsen ng Norway at KC Lightfoot ng US.

Kasalukuyang nasa US si Obiena para sa karagdagang training para sa nalalapit na pagsabak nito sa Paris Olympics.