-- Advertisements --
image 608

Ikinasal na ang aktor at Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon at girlfriend na si Jana Roxas, ayon sa isang online report.

Nagsagawa ng Christian wedding ceremony ang mag-asawa sa Enderun, Taguig City. 

Ibinunyag nina Falcon at Roxas ang petsa ng kanilang kasal noong nakaraang linggo at matatandaan na na engaged ang mag-asawa noong Agosto 2022.

Nangyari ang proposal noong bisperas ng kaarawan ni Roxas sa bahay ng isa sa mga malalapit niyang kaibigan. Present ang mga kapamilya nina Falcon at Roxas, Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor at asawa nitong si Hiyas, at mga kasamahan mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa mga nakaraang panayam, ibinahagi ni Falcon na nakilala niya si Roxas sa isang housewarming party sa Pansol at simula noon ay hindi na sila mapaghiwalay.

Noong 2017, napabalitang nagpakasal sina Falcon at Roxas ngunit kapwa itinanggi ang isyu.