-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Nanawagan ang ilang progresibong grupo sa pamahalaan na silipin ang hakbang nito para sa mga human rights workers matapos paslangin ang dalawa sa mga ito sa Sorsogon kamakailan,
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni BAYAN-Bicol spokesperson Vince Casilihan na tila crackdown ang nangyayaring pagpatay sa human rights defenders na tumutulong sa political prisoners at biktima ng karahasan.
Batay sa datos ng grupo, ika-59 at ika-60 ng napaslang sina Ryan Hubilla, 22 at Nelly Bagasala, 69, mula sa hanay ng human rights workers sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Nitong Lunes nang bigyan ng misa ang dalawa.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ng mga ito.