-- Advertisements --

Malaki paniniwala ng Bangko Sentral ng Pilipinas na makakabawi ang ekonomiya ngayong taon matapos ang pagbubukas na ng ilang mga negosyo.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, na labis na naapektuhan ang negosyo noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Mula noong nakaraang taon ay patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa epekto ng nasabing pandemya.

Bahagyang nakabawi ang ekonomiya noong huling tatlong buwang ng 2020 ng niluwagan ng gobyerno ang quarantine restrictions.

Para aniya mas lalong makabawi ang mga negosyante ay mayroong mga programa ang BSP na nagpapautang sa mga maliliit hanggang mga malalaking negosyante.