-- Advertisements --
May malaking epekto sa ekonomiya ang muling pagbabalik ng ilang lugar sa bansa sa modified enhance community quarantine (MECQ).
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, dahil sa pagbabalik sa MECQ ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna, lumalabas ngayon na nasa 50 % lamang ang ekonomiya ang bukas.
Gayunman, hindi rin aniya ito kontra sa ginawa ng gobyerno dahil alam niyang mahalaga ang ginawa ng gobyerno na bigyang priordad ang kalusugan ng mamamayan.
Kapag aniya na hindi gumawa ng hakbang ang gobyerno ay posibleng mahirapan namang makabangon ang ekonomiya ng bansa.