-- Advertisements --

Magkakaroon ng panunumbalik sa ekonomiya ang isinasagawang pagpapabakuna ng gobyerno laban sa COVID-19.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, na kapag marami na ang naturukan ng COVID-19 vaccines ay magkakaroon ng improvements ang ekonomiya.

Mayroon din pagbabago sa inflation ng bansa kapag malaki sa populasyon ng bansa ay nabakunahan na.

Magugunitang unang inihayag ng gobyerno na target nilang mabakunahan ang nasa 60 percent ng populasyon hanggang sa katapusan ng taon.