ILOILO CITY- Naniniwala ang non-profit research, education at information-development institution na IBON Foundation na mahinang ekonomiya at mababang numero ng mga nabigyan ng trabaho ang iiwang legasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation, sinabi nito na ito na ang pinakamalalang sitwasyon ng bansa kun ihambing sa mga nagdaang administrasyon matapos ang Martial Law sa pamumuno ni the late President Ferdinand Marcos.
Ayon kay Africa, maging ang sektor ng agrikultura at lokal na industriya ay hindi binigyan ng suporta sa halip ibinuhos ng gobyerno ang pondo para sa Build Build Build na hindi naman anya solusyon sa gitna ng pandemya.
Hindi rin umano nagamit ng mabuti ang stimulus packages na Bayanihan 1 at 2 kung kaya’t nagdusa pa ang mga Pilipino sa halip sana na makabangon sa kahirapan.