-- Advertisements --
Naniniwala si National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua na makakabalik ang sigla ng ekonomiya gaya noong 2019 sa kalahating taon ng 2022.
Nararapat na makahabol ang bansa dahil tila huminto ang paggalaw ng ekonomiya ng mahigiti isang taon.
Target kasi ng kasalukuyang administrasyon ang 6% hanggang 7% na economic growth.
Isa sa mga nakikita nilang solusyon ay ang dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya, pag-implementa ng recovery programs at dapat lahat ay nagpabakuna na.