-- Advertisements --
Posibleng lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon batay sa pagtataya ng International Monetary Fund.
Ayon sa IMF, posible itong lumago ng mahigit 6% habang 5.8% sa kasalukuyang taon.
Ito ay sa kabila na rin ng mga kinakaharap na hamon ng Pilipinas kabilang na ang inflation.
Ipinaliwanag pa ng IMF na kanilang tinapyasan ng bahagya ang kanilang projection ngayong taon at sa 2025.
Sa kabila nito ay kanilang tiniyak na mananatili ang Pilipinas sa ‘best performing economies’ sa buong Asya.
Ang paglagong ito ay dahil na rin sa mga financial condition at mas mataas na investment sa bansa.