-- Advertisements --

NAGA CITY – Kinumpirma ngayon ng Philippine Satistics Authority (PSA)-Bicol ang labis na pagbagsak ng ekonomiya ng Bicol Region noong 2020 dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa naging pahayag ni Engr Cynthia Perdiz, Regional Director ng PSA-Bicol sa isinagawang press conference ng ahensiya, sinabi nito na bumagsak sa 8.4 percent ang ekonomiya sa rehiyon o katumbas ng 3.0 percent na share sa Gross Domestic Product (GDP).

Pangunahing contributors sa pagbaba ng Gross Regional Domestic Product (GRDP) ay ang constructions, transportation and storage at iba pang mga serbisyo.

Samantala, umangat naman sa 9.0 percent ang Government Final Consumption Expenditure (GFCE) sa rehiyon habang bumaba naman ang industry expenditure sa 13.6 percent.

Sa ngayon, umabot naman sa P84,362 ang per capita GRDP/GRDE ng rehiyon na labis na mababa sa 9.3 percent mula sa P93,050 per capita GRDP/GRDE noong 2019.