-- Advertisements --

Lumago ng 3.2 percent ang ekonomiya ng China sa buwan ng Abril hanggang Hunyo.

Resulta ito ng paunti-unting pagbabalik na ng kanilang ekonomiya na lubhang naapektuhan dahil sa corona virus pandemic.

Itinuturing naman ng China na mabagal ang nasabing paglago kumpara noong nakaraang mga taon ng wala pa ang nasabing coronavirus pandemic.

Magugunitang sa unang bahagi ng taon ay napilitan ang nasabing bansa na higpitan ang mga galaw dahil sa coronavirus pandemic.