ILOILO CITY – Lubhang naapektuhan ng coronvirus disease 2019 (COVID-19) ang ekonomiya ng Macau na binansagang “Las Vegas of the East”.
Ayon kay Bombo International Correspondent Ma. Josephine Sapalo, maraming mga empleyado ang nawalan ng trabaho lalo na ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa mga Casino.
Maliban dito, marami ring mga banyaga ang hindi pa nakakauwi matapos maabutan ng lockdown subalit hindi na mandatory ang pagbayad nila ng overstay dahil wala na silang magagawa pa kundi ang manatili sa Macau.
Ani Sapalo, nakatanggap ng P20,000 pataas ang kada pamilya sa Macau at nakatanggap rin ng food packs ang mga apektado na Overseas Filipino Workers.
Ang mga domestic helpers naman ay binigyan ng option na mag-stay in o mag-stay out dahil na rin sa COVID-19, mandatory na ang stay-in sa Macau at ang mga tumanggi ay tuluyan nalang pinapaalis ng kanilang mga employer.
Dagdag pa ni Sapalo, noong Pebrero umabot lang sa 10 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 dahilan kung bakit binuksan ang tulay at pinahintulutan ang byahe ng ferry na may rutang Macau-Hongkong vice versa.
Dahil dito tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Macau dahilan kun bakit muling ipinasarado ang tulay at itinigil ang ferry.
Nilimitahan rin ang byahe ng mga byahe at iba pang mga sasakyan.
Hindi kagaya sa Pilipinas, walang ibinibigay na quarantine pass sa Macau at hindi rin mandatory ang pagsuot ng face mask.